Isang web-based na tool para sa pag-alam ng sitwasyon sa dagat (maritime situational awareness)

Overview

Ang SeaVision ay isang web-based na tool para sa pag-alam ng sitwasyon sa dagat (maritime situational awareness) na nagbibigay-daan sa mga user na mag-view at mag-share ng malawak na array ng maritime information para pagandahin ang mga maritime operation, paigtingin ang maritime security, at bumuo ng mga partnership sa loob ng maritime community.

Para matulungan ang user sa pamamahala sa impormasyon, ang SeaVision ay nagbibigay ng mga user-defined na rules-based analytics para ma-evaluate at ma-notify ang user tungkol sa mga defined na maritime na aktibidad o event. Ang SeaVision ay isang abot-kayang visualization at management tool na may kakayahang mabilis na magdagdag at mag-correlate ng maraming data source para matugunan ang mga pangangailangan ng misyon.

Mga Feature

timeline

Tingnan ang i-track ang posisyon at impormasyon ng paggalaw para sa sampu-sampung libng mga barko sa iba’t ibang bahagi ng mundo

saved_search

Gamitin ang mga kapabilidad ng advanced filtering at search para mag-query ng maraming data

error_outline

I-define ang mga automated query at rule para mag-highlight ng mga anomaly at mag-generate ng mga alert

group

Mag-share ng mga search, rule, alert, hugis at listahan ng mga sasakyang pandagat sa iba pang mga user sa loob ng mga Komunidad at Persona

Data

Automatic Identification System (AIS)

Ang SeaVision ay may AIS data mula sa iba’t ibang source, na ipinapakita nang real-time sa pamamagitan ng SeaVision map. Ang AIS data services ay naghahatid ng kumpletong pandaigdigang larawan ng aktibidad ng mga sasakyang pandagat kasama ang impormasyon tungkol sa mga indibidwal na sasakyang pandagat.

Satellite Synthetic Aperture Radar (SAT-SAR)

Ang SeaVision ay nagpapakita ng data ng posisyon ng sasakyang pandagat na galing sa satellite radar imagery at may kakayahan itong ikumpara ang data na ito sa mga AIS position report.

Maritime Safety and Security Information System (MSSIS)

Ang SeaVision ay tumatanggap ng vessel data mula sa MSSIS, isang near-real time data collection and distribution network kung saang nagpapalitan ng mga AIS position report ang mga international na kalahok.

Alamin pa ang tungkol sa MSSISopen_in_new

Visible Infrared Imaging Radiometer Suite (VIIRS)

Ang SeaVision ay nagpapakita ng data ng posisyon ng sasakyang pangdagat na galing sa satellite detection ng mga light source na gawa ng tao na nagmumula sa mga barko, at iba pang mga source na gawa ng tao sa dagat.

Alamin pa ang tungkol sa VIIRSopen_in_new

Coastal Radar

Ang SeaVision ay puwedeng magpakita ng mga radar detection ng sasakyang pandagat na mula sa shore-based sea radar network ng isang bansang kalahok ng SeaVision. Ang mga detection na ito ay puwedeng ikumpara sa mga AIS position report para sa mga indibidwal na sasakyang pandagat.

Electro-Optical Imagery

Kaya ng SeaVision na magbigay ng mga high-resolution na image ng mga sasakyang pandagat kasama ng impormasyon ng posisyon at heading mula sa electro-optical satellite data. Ang data na ito ay puwedeng ikumpara sa mga AIS position report.

Dalas ng Radyo (RF)

Kasama sa SeaVision ang data ng dalas ng radyo mula sa aming komersyal na kasosyo na kinokolekta ng satellite at sinusuri upang matukoy ang uri at lokasyon ng mga paglabas ng radyo. Ang data na ito ay maaaring maiugnay sa mga ulat sa posisyon ng AIS o maaaring tumulong sa pag-detect at pagsubaybay sa mga sasakyang-dagat na hindi naglalabas ng mga signal ng AIS.

Event Monitoring

Puwedeng isaad ng SeaVision ang pag-rendezvous ng mga sasakyang-pandagat at hindi pangkaraniwang aktibidad ng sasakyang pandagat gamit ang algorithmically generated intelligence mula sa mga third-party provider.

Maritime Risk

Ang SeaVision ay may commercially-sourced dataset na nagbibigay ng mga 24/7 update sa mga security incidents sa dagat sa buong mundo, kasama ang mga piracy alert.

Port Risk

Ang SeaVision ay may commercially-sourced dataset na nagbibigay ng updated na security intelligence sa mga port at terminal sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Ship Registry Data

Ini-integrate ng SeaVision ang ship registry data sa mga papasok na position report para magbigay ng sa user ng malawakang impormasyon sa sasakyang padagat. Ang data ay searchable at ginagamit bilang criteria para sa maraming tool sa SeaVision.

Mga Komunidad at Persona

Ang mga user at impormasyon ay mina-manage sa pamamagitan ng Mga Komunidad at Mga Persona. Ang Mga Komunidad ay mga grupo ng mga user na may shared na misyon at pinangangasiwaan ng isang Community Manager. Ang isang Persona ay isang focused sub-group sa loob ng isang Komunidad. Ang mga Persona ay ginagawa ng Community Manager na nagtatalaga ng mga user sa naaangkop na Persona sa loob ng Komunidad. Ang access sa isang Persona ay nagbibigay ng access sa awtorisadong data at mga shared object.

Mga User

Ang SeaVision ay may mahigit 3,000 aktibong user mula sa mahigit 90 partner na bansa.

SeaVision Team