Support

Madadalas Itanong

Sino ang puwedeng gumamit sa SeaVision?

Ang SeaVision ay isang application ng pamahalaan ng United States na ginagamit nang malawakan para sa iba’t ibang misyong sumusuporta sa maritime domain awareness. Ang mga Community Manager ay nagsasagawa ng pagsasala ng mga aplikante at nagtatalaga ng mga user account para sa SeaVision. Kinokontrol ng mga Community Manager kung aling mga user ang may access sa anong data sa loob ng kanilang komunidad. Ang mga tauhan ng pamahalaan ng US ay puwedeng gumamit sa SeaVision para tumingin ng data na available sa pamahalaan sa pamamagitan lang ng paghingi ng account para sa “US Government” Community. Ang mga user mula sa mga partner na bansa o iba pang mga ahensya at organisasyon ng US na nais tumingin ng iba pang available na data ng pamahalaan ay bibigyan/tatanggihan ng access sa data depende sa misyong sinusuportahan nila.

Paano ako makakatanggap ng training para sa SeaVision?

Ang SeaVision ay malawakang ginagamit bilang isang unclassified at non-PKI na tool para sa United States at mga partner na bansa. Ang SeaVision ay paunti-unting ina-updategamit ang enhanced na functionality at pinagandang mga disenyo ng user interface batay sa mga requirement at user feedback ng US Navy. Ang pagsasanay ng mga user ng SeaVision ay isang mahalagang bahagi ng pagsulit sa lahat ng feature at function sa loob ng SeaVision para mapaigting ang pandaigdigang maritime domain awareness.

Pangkalahatang Functionality:

Patuloy na bumubuo at nag-a-update ang SeaVision team ng mga materyales ng training at background na impormasyon para makapagbigay ng malinaw na pag-unawa sa functionality ng SeaVision platform at kung paano masulit ang kapabilidad nito, anuman ang kinaaanibang komunidad o persona.

Training na Partikular sa Komunidad:

Ang bawat komunidad sa loob ng enterprise ay may sari-sarilang mga tinutukoy na layunin at requirement. Ang pagsasanay sa paggamit o mga proseso ng SeaVision na sumusuporta sa mga partikular na proseso ng operasyon sa loob ng mga komunidad na iyon (gaya ng Tactics, Techniques, and Procedures (TTPs)) ay ang responsibilidad ng Community Manager.

Ang SeaVision team ay nagbibigay ng training sa ilang format. Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Training.

Magkano ang SeaVision?

Ang paggamit sa SeaVision bilang isang tool para sa pag-alam ng sitwasyon sa dagat (maritime situational awareness) para tumingi at magbahagi ng available na data ng pamahalaan ay libre para sa mga tauhan ng pamahalaan ng US at mga partner na bansang kasama sa Maritime Safety and Security Information System (MSSIS) network/program. Alamin ang higit pang impormasyon tungkol sa MSSIS ditoopen_in_new.

Ang komersyal na data ay binibili ng mga Combatant Command o iba pang mga ahensya ng pamahalaan ng US at isinasama sa SeaVision nang walang bayad para sa mga user na nasa loob ng komunidad nila para makatulong sa kanilang mga operational mission. Ang access sa iba’t ibang komersyal na data source sa loob ng SeaVision ay pinamamahalaan at inaaprubahan/tinatanggihan ng mga Community Manager ng partikular na Komunidad.

Paano ako makakakuha ng SeaVision account?

  1. Maghanap ng Komunidad. Ang unang hakbang ay hanapin ang komunidad ng SeaVision na umaakma sa inyong misyon at sumusuporta sa inyong mga pangangailangan sa pagbabahagi ng impormasyon.
  2. Bisitahin ang Website ng SeaVision. Kapag natukoy na ninyo kung aling komunidad ang sasalihan, pumunta sa SeaVision. Ipo-prompt kayong sumang-ayon sa kasunduan sa user, at pagkatapos ay i-click ang link na “Humingi ng Bagong Account”.
  3. I-validate Ang Inyong Email. Ilagay ang inyong email address i-click ang “Magrehistro.” Tingnan ang inyong email at i-click ang link sa validation email para makahingi ng bagong account.
  4. Humingi ng Bagong Account. Kumpletuhin ang lahat ng field ng form ng “Request ng Bagong Account” at i-click ang “Isumite ang Request.” Ang iyong request ay ipinapadala sa Community Manager para sa komunidad na hiniling mong salihan.
  5. Tanggapin ang Email na Nagawa ang Account. Kapag nasala na kayo at naaprubahan na ng Community Manager ang inyong account, makakatanggap kayo ng email na Nagawa ang Account na nagpapaalam sa inyong handa nang gamitin ang inyong SeaVision account.

Aling mga browser ang sinusuportahan ng SeaVision?

Ang SeaVision ay naka-optimize para sa Google Chrome web browser. Ang Firefox web browser ay compatible din, gayunpaman ay inirerekomenda ang Chrome para sa pinakamagandang user experience.

Paano i-install ang SeaVision sa isang mobile device?

Tingnan ang mga tagubilin dito.

Mukhang hindi nala-launch ang SeaVision pagkatapos mag-log in; ano kaya ang problema?

Ang isang karaniwang isyu ay isang punong cache sa web browser ng user.

Paano ako makakapagbigay ng feedback sa anong gusto kong makita sa SeaVision?

Ang mga user ay puwedeng mag-report ng bug, magmungkahi ng feature, o magtanong sa loob ng SeaVision. Pagkatapos mag-log in sa SeaVision, hanapin ang User Feedback button sa kanang sulok sa ibaba ng user interface para magsimula.

Hindi ko nakikita ang solusyon sa problema ko. Mayroon bang user support?

I-contact ang help desk.

There was an error submitting your request.