Pag-install ng SeaVision sa mga mobile device
Mga Hakbang para sa mga Android device
Tandaan: Ang mga hakbang ay maaaring mag-iba-iba batay sa browser at bersyon ng Android sa iyong device.
-
Buksan ang isang browser sa iyong Android device. Maaaring gumana nang pinakamainam ang Google Chrome.
-
Pumunta sa SeaVision sa https://seavision.volpe.dot.gov.
-
Kung ipo-prompt na i-install ang app, i-tap ang I-install. Kung hindi, i-tap ang options menu para sa browser (baka mukhang tatlong tuldok sa kanag sulok sa tuktok). I-tap ang opsyon sa I-install ang SeaVision o Idagdag sa Home screen.
-
Idinagdag ang SeaVision sa Home screen ng device. I-tap ang icon para buksan ang SeaVision.
Mga Hakbang para sa iOS at iPadOS device
Tandaan: Sa iOS at iPadOS device, kasalukuyang gumagana lang ang progressive web apps (PWA’s) sa Safari browser. Inirerekomendang i-clear ang iyong browsing data bago subukang i-install ang SeaVision mobile app.
-
Buksan ang Safari browser sa iyong iOS o iPadOS device.
-
Pumunta sa SeaVision sa https://seavision.volpe.dot.gov.
-
I-tap ang Share button sa browser menu bar.
-
Sa options menu, i-tap ang button na Add to Home Screen.
-
I-tap ang Add para kumpirmahin.
-
Idinagdag ang SeaVision sa Home Screen ng device. I-tap ang icon para buksan ang SeaVision.